Pusong Mamon
Napanood ko kagabi yung episode ng MMK. Bida si Rustom Padilla bilang si Rod, isang executive secretary at si Gardo Versoza bilang si Ronald, isang engineer. Sa Saudi ang setting ng istorya. Matagal-tagal na sa Saudi si Rod samantalang si Ronald ay kadarating pa lamang dun. Naging flatmates sila. Bakla si Rod at unang kita pa lamang niya kay Ronald ay nagustuhan nya na ito. Si Ronald naman ay isang straight guy na may asawa at 3 anak na naiwan sa Pilipinas.
Sinubukan ni Rod na maakit si Ronald subalit sinabi ng huling sila’y di talo. Humingi naman ng dispensa si Rod at eventually, naging magkaibigan sila. Kinakantyawan sila ng mga kasama sa trabaho dahil sobrang TLC talaga ang pinakikita ni Rod sa kanya kahit na ba magkaibigan lang sila. Pero tunay na nirerespeto ni Rod ang desisyon ni Ronald na pagkakaibigan lamang ang mamagitan sa kanila, kahit pa sabihing patuloy na nagmamahal si Rod.
Dumating ang isang malaking dagok sa buhay ni Ronald nang iwan siya ng asawa at sumama sa ibang lalaki. Sa sobrang depression, nagtangka siyang magpakamatay! Isinugod agad siya sa ospital at si Rod ang tumulong sa kanya. Ang huli ang nagsilbing “private nurse” niya nang mga panahong walang ibang mag-aasikaso sa kanya. Doon nabuo ang kakaibang “bond” nila.
Umuwi sila pareho ng Pilipinas dahil hinatid ni Rod si Ronald. Sobrang pasasalamat ang sumalubong sa kanya mula sa mga magulang ni Ronald. “Tanggap” din ng mga magulang niya kung anuman ang meron sila ni Ronald.
Sa huli, di lang respeto ni Ronald ang nakuha ni Rod. Pati na rin ang kanyang pagmamahal.
Nakakatuwang isipin na binigyan ng respeto ni Ronald si Rod kahit pa alam nitong may gusto sa kanya ang huli, na isang bakla. Hindi siya nagsamantala na karaniwang ginagawa ng ibang lalaki malaman lang nilang kayang ibigay ng nagmamahal na bakla sa kanila ang lahat. Tsk tsk…
Sana lang wag ng lokohin ng mga lalaki ang mga kapatid nating may pusong babae. Tao rin naman silang nasasaktan… kahit pa masiyahin silang lahat na akala mo’y walang iniindang problema.
Lagi nating isipin na kahit pa anong kasarian ng isang tao, lahat nagmamahal at nasasaktan din.
Yun lang naman po.


Rustom is having the time of his life, noh?
Cheers!